WB Boy #1

Ang Doorman

Siya si Mr. Doorman ko. NOON.

Another Cute Guy sa Jeep

Naispatan ko siya matagal na.

11:55

11:55

Sabado. Inaya ako ng mga ka-opisina ko para mamili sa mall. Para kahit papaano ay malibang kahit sandali mula sa buong linggong pagtatrabaho, sumama ako. Ang isang araw na akala ko ay magiging kaaya aya at maluwag.

Masaya ang araw ko kahit umuulan at bumabagyo pero hindi ito nagtagal. Habang masayang nagkukuwentuhan sa loob ng jeep patungong "mall", nang ang aking atensiyon ay biglang pinukaw ng isang pamilyar na halimuyak. Ang halimuyak ay nagmumula sa kung kanino sa loob ng sasakyan. Isang halimuyak na hindi sinasadyang tumatak sa aking isipan. Isang halimuyak na akala ko ay limot ko na.

Anu ba pwede ko isulat dito?

Sa totoo lang, ang daming naglalaro sa isipan ko na isulat dito. Pero madami akong takot. Baka kasi makilala ako ng mga taong kilala ko.

Sana magkaron ako ng lakas ng loob na gawin ito. Hay...